Posibleng makaharap ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang mga opisyal ng gobyerno kung gagamitin ang pondo ng bansa para sa ₱50M bounty laban kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ipinaliwanag ni DDS Sara All Confederation Legal Counsel Atty. Raymond Batu na labag sa batas ang pagpapalabas ng pera ng mga mamamayan para sa warrant ng international tribunal na wala na sa ating hurisdiksyon.

Nagbabala ang abogado na isang malaking pag-abuso sa pondo ang naturang hakbang habang nagdurusa ang taumbayan sa mataas na presyo ng mga bilihin at banta ng El Niño.

Dahil sa naturang peligro, nagpaalala ang tanggapan ng DILG at Malacañang na pwedeng balikan ng kaso ang mga nasa likod nito kung itutuloy ang naturang paggastos.