Nananatiling ₱65 ang kasalukuyang provisional flagdown rate ng mga taxi sa Cagayan de Oro sa gitna ng mga panawagan ng ilang pasahero na ibalik ito sa mas mababang pamasahe.

Nilinaw ni CAFITADA President Bernie Jamaca na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB National lamang ang tanging tanggapan na may karapatan sa pagbawi o paglalabas ng bagong kautusan ukol sa pamasahe sa taxi.

Ipinaliwanag din ng opisyal na hindi pa break-even para sa mga drayber ang kasalukuyang takbo ng presyo dahil nananatili sa ₱13.50 ang bawat kilometro at ₱2 lamang ang waiting time imbes na sa kanilang hiniling na dagdag.

Gayunpaman, tiniyak ni Jamaca na patuloy nilang oobserbahan ang presyo ng langis sa mga susunod na buwan at handa ang grupo na maghain ng petisyon sa LTFRB para sa fare reduction kung mananatiling mababa at matatag ang presyo ng langis.