CAGAYAN DE ORO CITY – Kinasuhan na ng pulisya kaugnay sa paglabag ng Dangerous Drugs Act of 2002 ang target suspected bigtime drug seller na unang naaresto sa ikinasang joint buy bust operation ng security forces sa bayan ng Malabang,Lanao del Sur.

Kinilala ni PNP Drug Enforcement Group Director Brig Gen Randy Peralta ang suspek na si Alraje Alamada Pagayawan,nasa legal na edad at residente sa lugar.

Nakompiska ng mga otoridad ang higit isang kilo ng suspected shabu na tintayang nasa halos pitong milyong piso ang halaga.

Sinabi ni Perlata na isang malaking kabawasan ng illegal drug distribution ang pagkahuli ng suspek sa Lanao del Sur at maging sa ibang lalawigan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Naging matagumpay at ligtas ang pagka-aresto ng suspek dahil nagsanib operasyon ang PNP-PDEG,PDEA -BARMM,AFP Marine Batallion Landing Team 2 at mga tauhan rin ng Malabang Police Station.