CAGAYAN DE ORO CITY (update) – Nananatiling missing ang isang lalaking nahulog umano sa spillway ng Gingoog City, Misamis Oriental. Naganap ang aksidente sa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan dala ng Tail end of a cold front, kahapon.

Sa ulat ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Fernando Sotsot Dy, Jr., nakilala ang biktima na si Crespin Mantegmo, 24, at residente ng Brgy Sangalan sa nasabing bayan.

Una rito, aabot sa 35 pamilya ang isinailalim ng forced evacuation dahil sa agarang pagtaas ng tubig-baha sa kanilang barangay.

Sa ngayon, iilan pa sa mga pamilya ang nananatili sa evacuation centers.

Mabilis naman nagbigay ng food packs ang mga apektadong pamilya.

Inaalam pa ngayon ng ahensya ang halaga ng pinsala ng pagbaha.

Kahapon, itinaas ng PAG-ASA sa Yellow Alert rainfall ang lungsod ng Cagayan de Oro, Bukidnon at buong Misamis Oriental.