CAGAYAN DE ORO CITY – Tinalikuran ng tuluyan ng isang squad ng CPP-NPA members ang umano’y baluktot na idolehiya at pumanig na sa gobyerno sa Sitio Languasahan, Barangay Minalwang, Claveria, Misamis Oriental.

Photos from 58th IB,PA

Ito ay matapos sumuko ang 12 na itinuring na ‘hard core’ members ng kilusang dahil sa matinding focused military operations ng Joint Task Force Diamond ng 4th ID, Philippine Army sa mga mabundok na bahagi ng lalawigan.

Inihayag sa Bombo Radyo ni 58th IB, Philippine Army commander Lt Col Ricky Canatoy na nakadalawang beses na engkuwentro muna ang kanilang tropa laban sa nasa 20 NPA members na ginamitan nila ng air asset kaya napaatras ang mga armado.

Ito na ang hudyat para makakita ng pagkakataon ang 12 NPA members at sila ay dumulong sa isang barangay kapitan para makipag-ugnayan sa militar at tuluyang makuha para upang makasuko.

Bitbit ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang dalawang AK47 rifles, Garand, Carbine, 2 M-16 at M653 rifle.

Si 58th IB,Philippine Army commander Lt Col Ricky Canatoy

Isinuko rin ng mga rebelde ang nasa sobra 700 mga bala at daan-daang mga magazine kasama ang ibang war materials.