CAGAYAN DE ORO CITY – Ikinasa na ang malawakang contact tracing sa mga tao na pinakahuling nakasalamuhan ng isang pamilya na positibo ng COVID-19 delta variant sa Barangay Balulang at isa pa mula rin sa Barangay Canitoan ng Cagayan de Oro City.
Ito ay dahil nag-positibo ang walong miyembro ng pamilya na nahawaan ng matinding virus variant nitong lungsod.
Sinabi ni City Mayor Oscar Moreno na hindi rin ito magdadalawang isip na isailalim sa granular lockdown ang partikular na bahagi ng dalawang barangay na pinakaulahing napasukan ng delta strain.
Bagamat nilinaw ang alkalde na fully recovered na ang nabanggit na mga biktima subalit hindi nito niluwagan ang mahigpit na pagbabantay upang pigilin ang posibleng pag-akyat ng mga kaso at maiwasan ang community transmission.
Kaugnay rito,nasa 13 na delta cases na ng bayrus ang naitala sa syudad dahilan na back-to-back na ang ipinapatupad ng IATF national na enhanced community quarantine na tatagal pa ng Agosto 7 nitong taon.
Kung maalala,unang nagtala ng limang delta variant cases kung saan pawang mga miyembro rin ng pamilya na nagmula sa Bukidnon subalit pansamantala naninirahan dito sa lungsod.