CAGAYAN DE ORO CITY-Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang tatlong katao bisperas sa Araw ng Talakag sa Bukidnon.

Kinilala ang biktima na namatay na si Romulo Monterde, 45-anyos habang ang mga sugatan naman ay sina Jomel Ambot, 39-anyos, Alexander Macapas, 53-anyos at ang anak ng namatay na si Prince Adrea Monterde, 21-anyos.

Sinabi ni Police Lt. Jim Luton, Deputy Commander ng Talakag Municipal Police Station na magkakasama lamang sa trabaho ang mga biktima at suspek na si George Mamac ngunit mayroong posibleng hindi pagkakaunawan habang nag-iinuman kayat humantong sa pamamaril.

Ayon kay Luton, narekober nila ang limang basyo ng kalibre 45 sa Purok 2, Barangay San Isidro sa naturang lungsong kung saan nangyari ang insidente.

Aniya, mas pinahihigpitan pa nila ang pagbabantay sa mga lugar kung saan idinaraos ang mga aktibidad ng lungsod lalo na’t at-large pa ang suspek at pinaniniwalaang nasa mga kamay pa nito ang baril na ginamit sa krimen.