CAGAYAN DE ORO CITY – Dead on arrival nang mapasok sa pagamutan ang isang motorista habang dalawa naman ang sugatan sa naganap na banggaan ng tatlong sasakyan sa kahabaan ng Barangay Cugman,Cagayan de Oro City.

Kinilala ni Cugman Police Station investigator Police Master Executive Sgt Marvin Yacapin ang namatay na si Cyrus Sebastian,55 anyos na residente mula sa bayan ng Gitagum,Misamis Oriental na mismo nagmamaneho sa Toyota Revo.

Inihayag ni Yacapin na batay sa ilang testigo na habang papasok sa sentro na bahagi ng syudad si Sebastian ay tinangka umano nito na mag-overtake kaya nasalubong ang elf truck na minaneho naman ni Rufino Lampasa Jr na taga- Barangay Macasandig kaya nag-resulta ng matinding collision impact.

Nadamay naman ang isa pang Totoya Vios na minaneho ni Etchel Ederango na taga-Barangay Balulang dahil sa madugo na banggaan.

Bagamat tanging sina Sebastian at Lampasa lamang ang isinugod sa magkaibang pagamutan dahil sa seryoso ang kanilang mga kondisyon.

Si Cugman Police Station investigator Police Master Executive Sgt Marvin Yacapin

Nakatakdang maghahain ng kasong reckless imprudence resulting into homicide at damage to properties si Lampasa sa piskalya nitong syudad bukas.