CAGAYAN DE ORO CITY-Hindi naiwasang manindig ang mga balahibo ng ilang residente sa isang Barangay dito sa lungsod dahil sa isang 1 year old na batang namatay umano ngunit muling nabuhay.

Sinabi ni Brgy Lapasan Kapitan Julito Ogsimer na lumapit sa kanya ang ina upang humingi ng tulong para sa pagpapalibing ng bata na namatay dahil sa sakit na asthma.

Aniya, matapos ang labing apat na oras na nawalan ng hininga ang bata ay bigla itong bumangon at ipinainum pa ng gatas sa Upper Kulambog, Barangay Lapasan sa lungsod.

Matapos matanggap ni Kapitan Ogsimer ang balita na nabuhay ang bata, kanyang inabisuhan ang pamilya na dalhin ito sa ospital ngunit ideklara ng mga doktor na dead on arrival.

Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang bata kahapon.