CAGAYAN DE ORO CITY-Mas pinaigting pa ng pulisya ang kanilang imbestigasyon sa 10 taong gulang na batang lalaki na sinasabing nagpakamatay sa Zone 3, Lower Bulua nitong lungsod.
Sinabi ni Police Executive Master Sergeant Camaloden Macmac ng Bulua Police Station na nagpapatuloy pa ang kanilang pangangalap ng ebidensya na magpapatunay sa sinasabi ni Rowendelyn Lagunay na nagbigti ang kanyang anak gamit ang lubid.
Ayon kay Macmac, hiniling din nila sa nasabing ina na i-otopsiya ang katawan ng kanyang anak na si Ian Rey Lagunay upang mawala ang hinalang may foul play sa pagkamatay ng bata.