Nakatulong sa pagpapaluwag ng masikip na trapiko at pagpapasakay sa mga bisita ang ipinakatap na 10 motorela para sa libreng sakay sa Bolonsori.

Ibinunyag ni Barangay Camaman-an Kagawad Alicia Cabili na maayos ang daloy ng trapiko sa kanilang barangay sa kasalukuyan dahil sa pagbawas sa dagsa ng mga tao.

Ipinaliwanag ng opisyal na ang mga naturang motorela ay ipinakatap ni Mayor Rolando “Klarex” Uy upang makatulong sa mga senior at PWD patungo sa loob at paglabas ng sementeryo.

Nanawagan lamang ang tanggapan sa iba na manatili ang pasensya sa paglalakad kung hindi agad makasakay sa libreng biyahe.