CAGAYAN DE ORO CITY – Malaking bilang ng mga itinuring na persons under investigation (PUIs) dahil sa COVID-19 ang nag-negatibo sa pagsusuri.
Ito’y matapos inanunsyo ni Department of Health o DoH-10 regional director Dr Adriano Subaan na nag-negatibo sa virus ang sampung (10) PUI’s ng buong rehiyon-10.
Sa nasabing bilang, isa (1) ang nag-negatibo sa Oroquieta City; dalawa (2) sa Ozamis City; isa (1) sa Camiguin Island; at lima (5) sa Cagayan de Oro.
Kabilang din sa nag-negatibo sa COVID-19 ang maybahay ni Patient No.40 na namatay dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19) na unang naka-confine sa Northern Mindanao Medical Center (NMMC) galing Iligan City noong nakaraang linggo.
Una nang isinailalim sa community quarantine ni City Mayor Oscar Moreno ang syudad matapos kinompirma ni NMMC chief of hospital Dr Jose Chan na pumanaw na ang dalawang pasyenteng babae na nagsilbing person under investigation (PUI) na Coronavirus Disease na mayroong Severe Acute Respiratory Illness (SARI).
Patuloy na pinaaalalahanan ng DoH ang lahat ng mga mamamayan na maging responsable sa tamang pagbibigay ng impormasyon ukol sa COVID-19.