CAGAYAN DE ORO CITY – Isasailalim ng ‘lie detector test’ ng forensic team ng Philippine National Police ang 10 na pulis kaugnay sa paghahanap hustisya sa pagkasawi ng isang police corporal na pinaniwaalang pinatay sa loob ng manuever company detachement ng 1004th ng Regional Mobile Force Batallion 10 sa bayan ng Kalilangan,Bukidnon.
Pahayag ito ni Police Regional Office 10 Director Police Brigadier General Lawrence Coop bilang bahagi ng kanyang pangako na mananagot ang kanilang mga kasamahang pulis kung sakali na mayroong kinalaman sa pagkasawi ni late Corporal Jeffrey Dabuco noong huling bahagi ng Hunyo 2023.
Sinabi ni Coop na hawak na nila ang ibang mga ebedensiya na maaring magtugma sa makukuha na pahayag mula sa nabanggit na mga pulis na kasama ni Dabuco noong ito ay buhay pa.
Magugunitang nasa kasagsagan nang inuman ang buong team habang biglang pinag-initan si Dabuco na nag-resulta pagka-missing nito ng tatlong araw at bangkay na noong marekober sa ilog ng Wao,Lanao del Sur.
Tiniyak ng heneral na kasong administratibo at kriminal ang ipapasampa nito laban sa sinuman sa mga pulis na iniimbestigahan ang matuklasan na mayroong kinalaman sa krimen.