CAGAYAN DE ORO CITY – Ikinalat na ang higit 12,000 government forces sa buong Northern Mindanao Region.

Kaugnay ito sa pagsagawa ng makasaysayan na pagsagawa ng May 9 national and local elections sa buong bansa ensakto alas 6:00 ng umaga.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Police Regional Office 10 Director Brig Gen Benjamin Acorda Jr na partikular ang kanilang pagtutok sa mga lugar na nakalagay sa kontrol ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa matindi ang kompetisyon ng politika ng ilang kandidato.

Partikular ang pagtutok ng state forces sa Misamis Occidental province kung saan naitala ang ilang election related criminalities sa kasagsagan ng kampanyahan ng mga kandidato.

Sinabi ni Acorda na nakatutok rin ang kanilang puwersa katuwang ang nasa 4,000 sundalo ng 4th ID,Philippine Army sa ilang bahagi ng Bukidnon province.

Ito ay dahil mayroong nagkasagupa na supporters ng incumbent at challenger mayoralty candidates kung saan mayroong isa ang nasawi at tatlo sugatan sa bayan ng Pangantucan.

Hindi pa kasali rito ang pagka-kompiska ng ilang mga baril na umano’y pagmay-ari ng vice mayoralty candidate sa bayan naman ng Malitbog,Bukidnon.

Bagamat,nilinaw ng heneral na habang nalalapit ng husto ang eleksyon ay wala pa sila nai-record na anumang malaki o kaya’y madugo na pangyayari mayroong kaugnayan sa halalan nitong taon.

Napag-alaman na nakakalat ang higit 8,000 na pulis at 4,000 sundalo sa mga probinsya sa Bukidnon,Camiguin,Misamis Oriental kabilang ang highly urbanized cities ng Cagayan de Oro at Iligan habang mula sa 1st ID,Philippine ng Western Mindanao Command ang nakatutok sa Lanao del Norte at Misamis Occidental.