CAGAYAN DE ORO CITY – Mamimigay ang United States of America (USA) ng tig-$ 1,200 aid package para sa mga pamilyang Amerikano na masyadong naghihiarap dahil sa epekto ng Coronavirus Disease (COVID-19) pandemic.

Ito ay batay sa nakasaad na batas na unang inaaprobahan ng US Congress alinsunod sa ginawa na request ni President Donald Trump na 2 trillion dollars upang magamit para sa bumagsak nila na ekonomiya.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Philippine Consulate Deputy Consul General Kerwin Tate na prayoridad na mabigyan ng cash package ang mga manggagagawa na nawalan ng trabaho at ang mga pamilya na sobrang hirap na pinatindi ng bayrus.

Inihayag ni Tate na hindi na magtatagal ay ipamamahagi na ang nabanggit na cash package habang sinikap ng gobyerno mapigilan na ang pagdami ng mga nahawaan ng sakit.

Sa pinakahuling data mula World Health Organization,nasa 367,650 na kabuuang kaso na ang Amerika kung saan halos 11,000 na ang nasawi habang 8,983 ang mga pasyente na malubha ang mga kalagayan.