CAGAYAN DE ORO CITY – Itataas muli ang watawat ng Pilipinas ng isa pang kabataang Kagay-anon sa internasyonal na antas matapos magwagi sa online EASTERN ASIA YOUTH 2021 CHESS ELIMINATION noong nakaraang araw.
Ang nasabing chess wizard ay si Ruelle Canino, isang 13 taong-gulang at residente sa Brgy. Bonbon sa lungsod ng Cagayan de Oro.
Sa tagumpay ni Ruelle, isa siya sa kinatawan ng Pilipinas sa host online EASTERN ASIA YOUTH 2021CHESS CHAMPIONSHIPS ng Thailand.
Gayunman, dahil sa nagpapatuloy na hamon na ibinato ng COVID-19, sa online platform pa rin ang nasabing international tournament.
Kaya’t nangangamba ang ama nito na si Ruel Canino sa mga posibleng pandaraya na magaganap sa darating na torneyo katulad ng nangyari sa World Olympiad online tournament noong nakaraang linggo kung saan na-disqualify ang Philippine Team sanhi sa panloloko ng isa sa mga manlalaro nito.
Sa ngayon, umaasa sila na magging matagumpay ang laban ni Ruelle sa Setyembre 23 nitong taon.
Si Ruelle ay kilala na nagsimulang maglaro ng chess sa edad na 4 sa ilalim ng impluwensya ng kanyang mga nakatatandang kapatid.
Ngayong taon lamang, iginawad ng National Chess Federation of the Philippines o NCFP kay Ruelle ang titulong Woman National Master o WNM matapos manalo sa 4 na magkakaibang dibisyon sa National Age Group chess tournament.