CAGAYAN DE ORO CITY – Mataas ang naging expectation sa laban ni Cagayan de Oro at Bukidnon pride Carlo Paalam matapos sinaksihan ang kanyang match ng aabot 29 na barangay kapitan mula sa munisipalidad ng Talakag Bukidnon.
Sa kanyang boxing match kahapon, nagtagumpay si Paalam at natalo nito ang kanyang katunggali na si Khamphouvanh Khamsathone ng Laos via unanimous decision para sa men’s light-flyweight class.
Hindi rin nagpahuli sa laban ang native Puerto Princesa pinay box na si Josie Gabuco matapos niyang talunin si Raksat Chuthamat ng Thailand in tvia split decision sa women’s light-flyweight (45-48 kg) class.
Tinalo rin nga pangalawang pinay boxer na si Aira Villegas sa bantamweight (54 kg) class ang pambato ng bansang Lao na si Vilayphone Vongphachan of Laos,
Samantala nanalo rin si Irish Magno laban kay Singaporean flyweight boxer Leona Hui para sa kaniyang 51kg bout.
Sina Paalam, Gabuco, Villegas at Magno ay pasok na sa quarter finals, at ang kanilang laban ay gaganapin sa PICC, mamayang hapon.
Ang 32-anyos na pinay boxer na si Gabuco ay nanalo ng gold medal sa 2012 AIBA World Championships.
Kung sakaling makakauha ng gold medal si Gabuco ay ito na ang kanyang pang limang gold ng SEA games kung saan nakasungkit na ito nga gintong medalya sa taong 2009 hanggang 2015.
Aabot naman sa 13 gold medals ang tatangkaing makuha ng mga pambato ng pilipinas para sa larong boxing sa nagpapatuloy na Southeast Asian Games 2019.