CAGAYAN DE ORO CITY – Isasalang agad sa unang pagbasa ang isang resolusyon na naghahanap ng P13.7-B pondo upang aabot sa tanggapan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang ilalaan para sa 13th month pay o Christmas bonus ng milyun-milyong empleyado mula sa mga apektadong mga kompanya bunsod ng COVID-19 sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Cagayan de Oro 2nd District Rep Rufus Rodriguez na gaganapin ang unang pagbasa ng House Resolution 1310 sa Nobyembre 16 upang alamin kung saan maaring mahanap ang pondo.
Inihayag ni Rodriguez na ipapatawag nila ang mga tanggapan ng Department of Labor and Employement,Department of Finance at Department of Budget and Management para malaman kung paano ang mga ito makakuha nang pagkukunan ng pondo.
Dagdag ng opisyal na isang kautusan lamang ni Duterte sa tatlong mga tanggapan para makalikom ng halos P14-B pondo para sa mga employer para malulutas na ang bonus issue ng mga pribadong mangggagawa.
Magugunitang nasa ilang milyon na empleyado ang nawalan ng trabaho dahil nakaranas ng malaking pagbagsak ang micro, small and medium-scale enterprises (MSME) business sector dahilan pinangambahan na hirap maibigay ang 13th month pay para kanilang mga empleyado bago mag-Pasko.