CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot na sa 14 ka mga barangay ang idineklarang drug cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-10 sa may Valencia City, Bukidnon.
Ayon kay Valencia City Police Station commander Police Lieutenant Colonel Surki Sereñas na kabilang sa idineklarang drug cleared sa kaniyang area of responsibility ang Barangay Barobo, Dagatkidavao, Nabag-o, San Isidro, Sinabuagan, Vintar, Maapag at marami pang iba.
Aniya, nadagdagan ang bilang ng mga barangays na drug-cleared dahil sa kanilang patuloy na implementasyon sa anti-drug campaign at dahil din dito, bumaba ng 40 percent ang kriminalidad ng nasabing probinsiya.
Napag-alaman na ang Valencia City ay may sakop na 31 ka mga barangay.
Kung maalala, ilan sa mga ginawang basehan sa deklarasyon ng drug cleared ay kinakailangang wala nang suplay sa druga sa lugar; aktibo ang partisipasyon ng mga opisyal sa barangay sa mga anti-drug activities; mayroong mga drug awareness, education campaign; at ang pagbaba ng bilang ng mga pushers at users.