CAGAYAN DE ORO CITY-Tinupok ng apoy ang 15 na mga bahay sa Purok 4B Brgy Gusa nitong lungsod.

Sinabi ni SF01 Lino Lauson, na base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, lumalabas na ang bahay na pinagmulan ng sunog ay nakaflying connection lamang ang pinagkukunan ng linya ng kuryente.

Ayon naman kay Brgy Gusa Kapitan Marlon Tabac, pansamatalang nakikisilong sa kanilang brgy covered court ang mga biktima.

Aniya maliban sa mga pagkain na kanilang ibinigay sa mga apektadong residente, namodmod din sila ng facemask para kahit papano ay may panangga laban sa COVID-19.