CAGAYAN DE ORO CITY – Kritikal ang kalagayan ng isang 16 anyos na babaeng buntis nang binaril sa labas ng Hall of Justice ng Cagayan de Oro City.

Kilala ni Carmen Police Station commander Police Maj Ian Borinaga ang biktima na si JD (hindi totoo na pangalan) na nakatira sa Taguitic,Kapatagan,Lanao del Norte.

Sinabi ni Borinaga na galing dumalo sa hearing ang biktima laban sa kinasuhan niya na police official sa Regional Trial Court Branch 22 nang paglabas nito ay inatake ng motorcycle in tandem suspects.

Nagtamo ng mga tama sa ulo at mukha ang biktima mula sa kalibre 45 na baril kaya agad isinugod sa public hospital at inilipat sa Northern Mindanao Medical Center.

Una na kasing sinampahan ng kasong pagnanakaw ni Police Maj Albart Tare na dating hepe ng Tagoloan Police Station ng Misamis Oriental ang biktima nang umalis ito bilang kasambahay nito sa nagdaan mga buwan.

Subalit sinagot naman ng kasong act of lasiviousness ng biktima ang police official kaya isinagawa ng korte ang case arraigement kaninang umaga.

Hindi naman kinompirma ni Borinaga kung totoong kasambahay ni Tare ang biktima na binigyang mahigpit na seguridad sa loob ng pagamutan sa ngayon.

Si Carmen Police Station commander Police Maj Ian Borinaga

Sa ngayon,nanatiling tahimik muna ang kampo ng pulis kung totoo na nagkasampahan sila ng kaso ng biktima sa korte.