CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot sa 11 ka bahay ang nilamon ng apoy sa nangyaring sunog sa may Western Kolambog, Barangay Lapasan nitong lungsod ngayong araw.

Patuloy pang inaalam ng mga bombero ang sanhi ng sunog kung saan mabilis ang paglaganap ng apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga naabong bahay.

Kabilang sa mga nasunog ang bahay ng pamilyang Racero , Dela Cerna, Arabis at Adante.

Ikinalungkot naman ng isa sa mga nasunogan na si Gemma Racero ang pagkamatayng kaniyang 16-anyos na special child na siyang na-trap sa loob ng kanilang bahay matapos makatulog nang mangyari ang sunog.

Hindi na nila naggawa pang mailigtas ang biktima dahil biglang lumaki ang apoy.

Umabot sa P350,000 ang danyos sa nasabing sunog base sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP).