CAGAYAN DE ORO CITY – Nawalan ng kanilang mga tirahan ang nasa 50 pamilya o 164 indibidwal nang sumiklab ang apoy sa Yacapin Extension,Barangay 36,Cagayan de Oro City kaninang madaling araw.
Tinukoy ni BFP-CdeO Enforcement Section Chief Insp Arnulfo Nabua ang pinagmulan ng apoy sa bahay ni Teresita Odchigue-Pingos,market vendor na residente sa lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Nabua nagsimula umano ang apoy dahil sa napabayaan na sinindihang kandila kaya mabilis na kumalat sa mga karatig bahay sa nasabing lugar.
Inihayag ni Nabua na bagamat wala namang naiulat na buhay na nasawi kahit kinain ng malaking apoy ang kabahayan ng mga biktima.
Nagtala naman ng higit P100-K ang structural damage ng sunog.
Ito na ang pangatlong sunog naitala sa syudad sa loob lamang ng buwang ito.