CAGAYAN DE ORO CITY – Pumanaw na ang dalawa pang pasyenteng babae na unang nag-positibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) habang naka-confine sa Amai Pakpak Medical Center ng Marawi City,Lanao del Sur.
Ito ang kompirmasyon ni Lanao del Sur Integrated Provincial Health Office head Dr Alinader Minalang kaugnay sa usapin.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Minalang na mayroong travel history ang dalawa at nahawaan ang mga ito ng bayrus habang nasa Metro Manila na sila.
Inihayag ng opisyal na pumalo na sa tatlong pasyente na nadauan ng COVID-19 na mismo namatay sa kanilang pagamutan.
Magugunitang nasa anim lahat ang positibong kaso na hawak ng probinsya at kabilang na ito ang anak babae ni Patient No. 40 na unang nasawi habang ginagamot sa Northern Mindanao Medical Center sa Cagayan de Oro City noong Marso 14,2020.
Kung maalalan,naka-lockdown ang buong Lanao del Sur kasama ang Marawi City dahil sa mataas na banta ng coronavirus.