CAGAYAN DE ORO CITY – Napatay sa tropa ng 51st Infantry Batallion na sakop ng 1st ID,Philippine Army ang dalawang miyembro ng teroristang Dawlah Islamiyah – Maute Group sa Sitio Kangkong,Barangay Palacat,Piagapo,Lanao del Sur.

Photo from 51st IB,Philippine Army

Kinilala ni 51st IB commander Lt Col Fernando Payapaya ang mga nasawing teroristang na sina Arafat Amino alyas Salama at isang alyas Gazali na kapwa miyembro ng DI-Maute Group na kasalukuyang nasa likod pagpaslang ng civilian workers na nagta-trabaho ng government projects sa lalawigan.

Sinabi ni Payapaya na unang namataan ng ilang sibilyan ang presensiya ng mga suspek na isang construction site kaya agad ipinagbigay alam sa kanila dahilan na mabilis ang deployment ng tropa at nagka-engkuwentro ang dalawang panig.

Hindi na tumagal ang palitan ng mga putok dahil mabilis na napuruhan ang mga suspek at nakompiska ang bitbit na M-16 rifle at kalibre 45 na baril sa mismong encounter site.

Bagamat napaslang ng state forces ang terror members subalit nalungkot rin si Payapaya dahil mga biktima lang ang mga ito ng maling jiadist beliefs na dati nang ipikalat ng unang hardcore members ng Maute-ISIS Group na nasa likod pag-atake sa Marawi City noong 2017.