(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Patuloy ang pananatili ng libu-libong pamilya sa magkaibang evacuation centers na inilatag ng local government unit ng Cagayan de Oro City na kabilang sa apektado ng malawakang pag-ulan sa Mindanao.

Photos from PCG-10

Ito’y kahit hindi man tumama ang mata ng Bagyong Odette subalit sa ilang lugar ng Caraga Region subalit tinamasa naman nito ang malawakang pag-ulan dahil sa pagsilbing nasa tropical cyclone wind signal no.2 ang Northern Mindanao provinces.

Batay sa inisyal na talaan mula sa City Social and Welfare Development na nasa higit dalawang libo na pamilya ang nailikas patungo sa 42 na evacuation centers ng lungsod.

Sinabi ni city administrator Teodoro ‘Teddy’ Sabugaa Jr na bagamat walang naiulat na anumang casualty mula sa mga inilikas na mga residente subalit magsasagawa pa sila ng damage assessment ukol sa tubig-baha na pumasok sa mga kabahayan at maraming establisemiento ng lungsod.

Magugunitang itinaas pa sa code red ang buong lungsod upang puwersahing lumikas ang mga residente na nasa panganib ng trahedya kung saan kabilang ang isang buwan na sanggol na tagumpay na nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard.

Napag-alaman na napilitan na kanselahin ang pasok mga eskuwelahan at government offices nitong syudad at maging sa maraming bayan ng Misamis Oriental dahil sa mataas na banta ng seguridad ng mga residente epekto ng bagyong Odette.