CAGAYAN DE ORO CITY-Bigo paring mahuli ng mga otoridad ang mga suspek na bumaril-patay sa dalawang magsasaka sa Sitio Tenimbacan Potaon, Malinao, Kalilangan, Bukidnon.

Sinabi ni Kalilangan Municipal Police Station Commander Capt. Patrick Castro na patuloy pa nilang iniimbestigatahan ang kaso ng pamamaril kina Neoborne Fausto, 31 at Jordan Sambalon, 24 anyos na parehong residente sa Brgy San Rafael, Talakag sa naturang lalawigan.

Ayon kay Capt. Castro na may hawak na silang saksi na maaring makapagturo sa pagkakakilanlan ng nasa tatlong mga responsable.