CAGAYAN DE ORO CITY – Tinutukan ng pulisya na maaring personal na alitan o mayroong nakaaway na ka-trabaho ang isa sa mga dahilan pagbaril-patay ng dalawang magsasaka sa Sitio Tenimabacan Potaon,Malinao,Kalilangan,Bukidnon.

Kalalilangan Police Station pictures

Kinilala ni Bukidnon Provincial Police Office Director Col Roel Lami-ing ang mga biktima na sina Jordan Sambalon,24 anyos at Neoborne Fausto,31 anyos na pawang sugarcane harvesters at kapwa residente sa Barangay San Rafael,Talakag,Bukidnon.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Lami-ing na sakay ng motorsiklo ang mga biktima mula sa kanilang tina-trabahuan ng sugarcane farm ay bigla humarang ang hindi kilalang mga suspek at sila ay kapwa binaril.

Nagtamo ng maraming tama ng mga bala mula sa hindi pa matukoy na mga baril ang mga biktima kaya dead on arrival ang mga ito pagdating sa pagamutan.

Si Bukidnon Provincial Police Office Director Col Roel Lami-ing

Sa ngayon,hindi isinantabi na mayroong mga tao na naka-atraso ang mga biktima kaya pinagbabaril.