CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang 24-anyos na dalaga at sugatan ang isang abogado matapos pinagsaksak ng isang kawatan na nanloob sa kanilang inaabangang cottage sa may Pangantucan, probinsiya ng Bukidnon.

Kinilala ni Pangantucan Municipal Police Station investigator Staff Sargeant Alfredo Santiago ang namatay na si Jennifer Buckley, residente ng Zamboanga del Sur habang sugatan naman si Atty Ann Kathleen Gatdula, 30-anyos, residente ng Quezon City, Manila.

Sinabi ni Santiago sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo na nangyari ang krimen nang mahuli nila ang suspek na si Alrod Naquilla, 36-anyos, taga Purok 6 Lantay, Pangantucan, Bukidnon na nanloob sa kanilang tinitirhang cottage.

May nangyaring komosyon matapos manlaban ang mga biktima sa suspek dahilan upang nagtamo nga limang saksak sa katawan si Buckley na siyang dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay habang nagtamo naman nga saksak sa dibdib si Atty Gatdula na patuloy pang ginagamot ngayon sa hospital.

Naaresto nang mga pulis ang suspek at nahaharap sa kasong robbery with murder and robbery with frustrated murder.

Dating miyembro ng Batang City Jail ang suspek at nasasangkot ito sa mga nangyaring nakawan ng Bukidnon.

Napag-alaman na ang mga biktima ay kapwa miyembro ng Jesuit Volunteer of the Philippines (JVP).