CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines – Natimbog ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang suspek nagbenta nga hinihinalang shabu sa halagang P9.5 milyon sa Iligan City, nitong Miyerkules.
Kinilala ni Maharani Gadaoni-Tosoc, Director ng PDEA-9 (Zamboanga Peninsula), ang mga suspek na sina “Raisah,” 59, at “Bappa.”
Sinabi ni Tosoc na inaresto ang dalawa sa isang buy-bust operation ng PDEA-9 at PDEA-10 (Northern Mindanao) bandang 12:30 ng hapon Miyerkules sa Tibanga Highway sa Barangay San Miguel.
Pumayag umano ang mga suspek na isagawa ang transaksyon sa Iligan City at nasabat ng mga otoridad ang tinatayang 1,400 gramo ng hinihinalang shabu, ang buy-bust money, at isang sport utility vehicle.
Nasugatan si Bappa habang lumalaban sa pag-aresto.
Tumulong sa operasyon ang mga tauhan mula sa Misamis Occidental Provincial Office at ang Regional Intelligence Unit.
Noong Enero 17, inaresto din ng mga awtoridad ang isang boat skipper at nasamsam ang P680,000 halaga ng shabu sa Zamboanga City.
Kinilala ni Col. Joseph Ian Lofranco, hepe ng Special Operations Unit-9 ng Philippine National Police Drug Enforcement Group, ang suspek na si “Empog,” 52.
Nakumpiska mula kay Empog ang tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at isang mobile phone.