CAGAYAN DE ORO CITY – Napatay nang pinag-isang operasyon ng 2nd Scout Ranger at 8th Infantry Batallion,Philippine Army ang dalawa sa limang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) dahil nagka-engkuwentro sa Sitio Lamana,Barangay Kibalabag,Malaybalay City,Bukidnon.

Photos froms 8th Infantry ‘Dependeble’ Batallion,Ph Army

Sinabi ni 8th IB spokesperson 1Lt Abby Lorenzo na nag-responde ang kanilang tropa mula sa sumbong ng ilang sibilyan dahil sa umano’y panghihingi ng mga pagkain ng mga rebelde sa lugar.

Papasok pa lang umano ang government forces ay sinalubong na sila ng mga bala kaya naganap ang ilang minuto na bakbakan na nagresulta ng dalawang nasawi mula sa panig ng mga kalaban.

Maliban sa nadiskobre na mga bangkay ng pawang mga lalaki na mga rebelde,huli rin ang dalawang iba pa habang nakompiska ang tatlong kalibre 45; 9mm pistol,mga bala,medical supplies at ibang kagamitan.

Nailigtas rin ng militar ang pitong sibilyan na kinabilangan ng apat na menor de edad at senior citizen na lahat magkaka-pamilya lamang sa lugar.

Si 8th IB spokesperson 1Lt Abby Lorenzo

Iginiit rin ng mga sundalo na walang kahit isa na sugatan o kaya’y nasawi sa mula sa panig ng gobyerno sa nabanggit na panibagong engkuwentro.