CAGAYAN DE ORO CITY – Tinutukoy pa ang pagka-kakilanlan ng dalawang lalaki na umano’y miyembro ng kilusang New People’s Army na napatay ng militar sa engkuwentro na tumagal ng kalahating oras sa Sitio Mangilit,Barangay Bal-ason,Gingoog City,Misamis Oriental.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay 4th ID spokesperson Maj Francisco Garello Jr,inihayag nito na unang napasok ng 58th IB,Philippine Army ang nagsilbing hideout ng dalawang pinag-isang puwersa ng CPP-NPA kaya humantong sa madugo na engkuwentro.
Sinabi ni Garello na nai-turnover na rin nila ang mga bangkay sa local govt unit upang maiuwi ang mga ito sa kani-kanilang pamilya kung sakaling nagmula lang sila sa bahag ng Northern Mindanao.
Nakompiska ng tropa ang M203 grenade launcher;dalawang AK-47 rifles;tig-isang AR 18 at M-16 rifles kasama ang war reading materials maging personal na kagamitan ng mga rebelde.
Una na ring aktibo ang tropa ng 58th IB upang bulabugin ang magiging aktibidad ng CPP na magsasagawa ng kanilang anibersaryo sa loob ng buwang kasalukuyan.