Photos from 403rd IB,Philippine Army

CAGAYAN DE ORO CITY – Napatay ng militar ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay San Rafael,Talakag,Bukidnon.Ito ay matapos nag-engkuwentro ang dalawang panig na tumagal ng 10 minuto sa nabanggit na lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 403rd Infantry Batallion,Phippine Army commander Brig/Gen Edgardo de Leon na unang nakapag-bigay impormasyon ang ilang residente sa 65th IB sa namataang mga rebelde kaya mabilis na pinuntahan ang lokasyon.

Naniniwala si De Leon na kasamahan pa rin ito ng mga rebelde na naka-engkuwentro nila na pumasok sa Barangay Pigsag-an ng Cagayan de Oro City noong Hulyo 2019 at ang nakasagupa ng 65th IB sa Bukidnon kahapon ng umaga.

Bagamat iginiit ng opisyal na walang naiulat na sugatan o namatay mula sa panig ng gobyerno.

Narekober rin mula sa encounter site ang tatlong long firearms na kinabilangan ng M-16 at M-14 rifles.