CAGAYAN DE ORO CITY – Ikinalungkot sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi umaabot na makapag-diriwang ng Kapaskuhan ang dalawa nila na sundalo nang binaril-patay ng kasamahan nito na kapwa naka-detail sa 55th IB,Philippine Army sa Sitio Banisilan,Barangay Bandaraingud,Pagayawan,Lanao del Sur.
Ito ay matapos kinompirma ni AFP Western Mindanao Command spokesperson Maj Arvin Encinas ang pagkasawi nina 1Lt Mark Linne Banua at Sgt Jhankjihan Carumba nang magwawala ang suspek na si Cpl Naw Mohammad Lassam.
Inihayag ni sa Bombo Radyo ni Encinas na biglaan ang pagwawala ni Lassam kaya hindi nakapaghanda ang mga biktima nang pinaputukan ito gamit ang M4 assault rifle.
Sugatan rin sina PFCs Roger Amihan, Nielo Rubiato, T/Sgt. Randy Esmade na nadala sa Amai Pakpak Medical Center ng Marawi City habang si PFCs Jovanie Calaguian at Therenz John Francisco ay isinugod rin sa Iligan hospital.
Dagdag ng opisyal na tinutugis na nila kasama ang pulisya ang suspek na mabilis tumakas matapos nagawa ang kremin kahapon ng umaga.
Nagsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ang militar kung ano ang nag-uudyok sa suspek na magwawala na humantong nang pambabaril sa mga kasamahan nitong mga sundalo.