CAGAYAN DE ORO CITY- Umakyat na sa apat ka mga pasyente na may severe acute respiratory illness (Sari) ang namatay sa Northern Mindanao Medical Center (NMMC).
Ito’y matapos dalawa pang pasyente na may respiratory illness na taga Cagayan de Oro at ibang lungsod ang pumanaw habang ginagamot sa loob ng hospital.
Ayon kay NMMC chief Dr. Jose Chan na hindi pa nila makumpirma kung namatay sa coronavirus disease (Covid-19) ang mga pasyente.
Una nito, dalawang SARI patients na babae ang unang namatay noong Marso 18 kung saan bigo pa rin ang mga health authorities pagberepika kung namatay sila dahil sa virus matapos hindi sila nakunan ng swab sample.
Sa ngayon, nasa 12 patients under investigation ang nakaconfine sa nasabing ospital habang 636 ang persons under monitoring o PUM sa buong Cagayan de Oro na isinailalim sa home quarantine.