CAGAYAN DE ORO CITY – Dalawang taxi driver ang nahaharap sa kasong rape matapos umano’y gahasain ang isang menor-de-edad ng Brgy. Gusa, sa Cagayan de Oro City.

Nakilala ang mga suspek na sina Jerome Pelicio, 24 anyos residente ng Casinglot, Tagoloan, Misamis Oriental at isang Jayson Gorres, 20 anyos.

Iginiit ng isa sa mga suspek na nakipagnegosasyon sila sa biktimang si alyas Ban-Ban sa hagalang P600 para sa panandaliang aliw.

Itinanggi naman ng biktima ang paratang na isa siyang “babaeng bayaran”.

Aniya, pumara lamang siya ng taxi at wala sa kanilang usapan ang umano’y pagkikipagsex sa dalawang driver.

Sa ulat ni PO3 Cherry Reyes, head ng Women and Children Protection Desk sa Agora Police Station, inihayag nitong pursigidong maghabla ng kaso ang biktima laban sa mga nag-abuso sa kanya.