CAGAYAN DE ORO CITY – Nasa ligtas na umanong kalagayan ang apat na sundalo na unang nagtamo ng mga tama ng mga bala sa engkuwentro sa pagitan ng ilang mga miyembro ng Dawlah Islamiyah Maute-Group sa Barangay Lumbac,Balabagan,Lanao del Sur.
Batay ito sa inilabas na pahayag ni AFP Western Mindanao Command commander Lt Gen Alfredo Rosario Jr matapos nailipat na ang mga biktima sa Camp Siongco Station Hospital sa Maguindanao mula sa Dr Serapio Montaner Memorial Hospital sa nakabase sa nasabing nabanggit na probinsya.
Sinabi ni Rosario na unang naglunsad ng focused military operations ang tropa ng 1st Marine Brigade laban sa nabanggit na mga terorista dahilan na mayroong dalawang kalaban ng gobyerno ang nasawi.
Narekober mula sa encounter site ang M-16 rifle with M203 Grenade Launcer,granada,drug paraphernalia at ibang personal na kagamitan.
Magugunitang ang nabanggit na mga terorista ay ang mga tagasunod ng Maute-ISIS group na unang napulbos ng state forces noong sumiklabo ang limang buwan na engkuwentro sa Marawi City taong 2017.