CAGAYAN DE ORO CITY – Umakyat na sa 20 ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o Covid-19 sa buong rehiyon-10.

Sa inilabas na datos ng Department of Health (DoH)-10, naidagdag sa nasabing bilang ang dalawang pasyente na nagmula sa Cagayan de Oro City at Lanao del Norte.

Makita sa talaan ng ahensiya, pito sa nasabing bilang ang namatay; walo ang nakarekober habang lima ang outpatient.

Ikinatuwa naman ni DoH-10 regional director Dr Adriano Subaan ang pag-negatibo ng 113 ka medical workers na nakahalubilo sa mga Covid-19 patients mula sa iba’t-ibang hospital ng rehiyon sa ginawang contact tracing.

Nag-negatibo ang 75 medical workers na kinabibilangan ng mga doktor at nurses sa Northern Mindanao Medical Center na silang nagbabantay sa 21-anyos na pasyente na nagpositibo sa virus.

Nag-negatibo naman ang isang medical worker mula sa Tudela, Misamis Occident matapos makasalamuha ang isang Covid-19 patient.

Patuloy naman ang panawagan ni Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno sa mga mamamayan na manatili pa rin sa kanilang tahanan, ugaliing maghugas ng kamay, takpan ang bibig kapag uubo o magbahing, at manatiling nakatutok sa mga balita upang sariwa ang kanilang kaalaman tungkol sa COVID-19.