CAGAYAN DE ORO CITY – Kasulukuyan nang isinailalim sa masinsinan na laboratory trials ang nasa 20 uri ng vaccines na inaasahan ng health experts na makakatapat sa bangis na dala ng Covornavirus Disease (COVID-19) na tumama sa buong mundo.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ng Cagayan de Oro resident na nagta-trabaho na bilang London based govt external health examiner na si Dr DonValledor na kabilang siya sa grupo ng mga eksperto na inaaral ang galaw ng coronavirus gamit ang sarili nitong vaccine design.
Inihayag ni Valledor na bagamat na dumadaan ng ilang phase ang pag-aaral ng kanyang ekspiyermento subalit tiniyak ng kanilang grupo na hahanap ng paraan mabuo ang bakuna para pigilan na ang pag-atake ng virus.
Dagdag nito na kabilang sa ginamit nila na kemikal ay ang ‘Messenger RNA’ na kalaunan ay ipasok sa katawan ng tao upang tukuyin kung kaya ba nito na malabanan ang dala na bayrus ng corona.
Bagamat tatagal ng higit isang taon ang laboratory expirement ng mga bakuna na ipinag-utos ng United Kingdom government subalit tiwala sila na makabuo ng epektibo na panlaban ng COVID-19 na wala nang pinalampas na bahagi ng mundo.