CAGAYAN DE ORO CITY – Masasakihan rin ng Filipino boxing fans na kabilang sa lalaban para sa kampanya na makapag-uwi ng pinakaunang medalyang ginto para sa Pilipinas si SEA Games 2019 gold medalist Carlo Paalam na mula sa Cagayan de Oro City ng Mindanao sa 2021 Tokyo Olympics sa Japan nitong taon.
Ito ay matapos kompirmado na bahagi na si Paalam sa Philippine Team upang lalahok sa Olympics kahit nasa kasagsagan pa ng kanilang dibdiban na mga pag-eensayo sa Inspire Sports Facility ng Calamba,Laguna.
Ipinaliwanag ni Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno na siyang nag-aalaga mula edad 8 anyos hanggang sa kasalukuyan na nakakuha ng automatic spot ang si Paalam dahil tuluyan nang kinansela ang qualifying round na isasagawa sana sa bansang Pransya.
Ito ay dahil umano sa matindi pa rin na banta na dala ng pandemya ng COVID-19 sa buong mundo.
Sinabi ng alkalde na ang ginawa umano ng International Olympics Committee ay pumili sila ng mga boksingero na mayroong magandang boxing records at isa si Paalam na nag-qualify dahil sa no.12 ito sa pandaigdigang rankings ng amateur boxers.
Magugunitang si Paalam ay katulad rin kay Pinoy boxer Eumir Marcial na inaasahan ng marami na mag-uuwi sana ng pinakaunang gintong medalya na ilang dekada nang mailap simula nang sumali ang Pilipinas sa OIympics.