Idineklara ng Department of Budget and Management (DBM) na inoperative ang 2026 budget ng Misamis Oriental dahil sa nakitang legal at teknikal na pagkakamali sa pag-apruba ng Sangguniang Panlalawigan (SP).
Batay sa pahayag ni Special Assistant to the Governor Celso Abucejo, nakita ng DBM na hindi nagtutugma ang inaprubahang 3.3 bilyong pisong pondo sa mga nakalinyang gastusin at Annual Investment Plan ng lalawigan.
Nilinaw ng opisyal na dahil sa naturang sitwasyon, in-isponsor o ginamit muli ng lalawigan ang 2025 re-enacted budget na nagkakahalaga ng 5.8 bilyong piso simula noong kalagitnaan ng Setyembre.
Dahil dito, tiniyak ng administrasyon na legal at consummated na ang lahat ng pondong nagastos mula Enero hanggang Setyembre para sa mga batayang serbisyo.











