Walang nakitang pagkakaiba ang pangkat ng Kilusang Mayo Uno sa 2027 national budget ng Pilipinas kompara sa mga nakaraang taon dahil puno pa rin ito ng mga pork barrel.
Ipinahayag ni Kilusang Mayo Uno Secretary General Jerome Adonis na ikinalulungkot din ng pangkat ang mga budget cut sa mga batayang serbisyo sa kalusugan, edukasyon, at agrikultura na para sana sa serbisyo ng mga mahihirap.
Dagdag pa ng opisyal, patuloy na itinataas ang pondo ng mga indibidwal na opisyal at ng militar habang bilyon-bilyon din ang inilalaan sa pagbabayad ng utang ng bansa.
Dahil dito, nanawagan ang samahan na ibasura ang pondo para sa political patronage at ibigay ang tunay na badyet para sa pangangailangan ng mga manggagawa at mamamayang naghihirap sa krisis.











