CAGAYAN DE ORO CITY – Napasakamay ng Department of Health 10 ang karagdagang mga bakuna na mula sa kompanyang Astrazeneca para sa healthcare workers na nasa frontline pag-aasikaso sa mga residente na positibo ng coronavirus disease sa Northern Mindanao

Ito ay matapos sinundo ng mga personahe ng ahensiya ang nasa 22,000 doses ng bakuna na nakasakay ng commercial flights ng eroplano sa Laguindingan Airport mula sa Metro Manila kaninang madaling araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Dept of Health 10 media relations officer Emiliano Galban Jr na malaking tulong na para sa healthcare workers ang nabanggit na mga bakuna upang mas makagalaw pa sila para labanan ang bayrus.

Inihayag ni Galban na sa tinatayang nasa 10,000 karagdagang hospital personnel ang mabibigyan ng vaccination rollout na magsisimula sa susunod na linggo.

Si Dept of Health 10 media relations officer Emiliano Galban Jr

Dagdag nito na uubusin muna ng ahensiya ang lahat na 17,400 na doses ng Sinovac vaccines na makag-accomodate ng 8,700 hospital workers sa loob ng linggong ito bago sila gagamit ng Astrazeneca.