CAGAYAN DE ORO CITY – Puspusan ang hiwalay na ‘culling operation’ ng Anti- African Swine Fever (ASF) Task Forces ng Misamis Oriental at Cagayan de Oro City sa mga partikular na bayan at barangay na tinamaan ng sakit ng mga baboy nitong araw.

Ito ay matapos kinompirma ng Department of Agriculture (DA-10) na positibo ng ASF ang nasa higit dalawang daan na mga baboy dahilan na isinailalim ng ‘culling operation’ partikular sa bayan ng Manticao ng lalawigan at Barangay ng Mambuaya nitong lungsod epektibo kagabi.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Misamis Oriental Provincial Veterinary Office chief Dr Benjie Resma na mula sa bayan ng Manticao na napakag-cull ng 151 mga baboy ay tinungo rin ng task force ang bayan ng Initao kung saan target ma-depopulace ang nasa 500 na backyard hogs nitong araw.

Inihayag ni Resma na bagamat naglalaan si Provincial Gov Bambi Emano ng P2.5 milyong pondo para ipamigay sa bawat hog farme na apektado subalit dahil sa mataas na proseso ng gobyerno ay tumulong na rin ang Northern Mindanao Hog Raisers na sila muna ang babayad sa apektadong mga magba-baboy sa lalawigan.

Samantala,ipinag-utos rin ni City Mayor Oscar Moreno ang pag-activate ng ‘incident management team’ upang makatutok sa pagbigay proteksyon ng ibang mga baboy na hindi pa natamaan ng ASF.

Inihayag ni Moreno na magbibigay rin ang syudad sa mga apektadong hog farmers ng tig-P2,000 katumbas ng bawat baboy na makakatay dahil nahawaan ng sakit.

Una nang kinompirma ni City Veteranary Office head Dr Lucien Anthony Acac na nasa 72 baboy na ang nailibing nila mula sa Barangay Mambuaya habang kasalukuyan rin ang house-to house visits sa mga residente naman ng Barangay San Simon na apektado rin ng ASF.

Si Misamis Oriental Provincial Veterinary Office chief Dr Benjie Resma

Magugunitang kung hindi tuluyang mapigil ang ASF invasion sa syudad at lalawigan ay namimiligro na mas lalong babagsak ang pork supply sa bansa dahil nagsilbi itong pangatlong rehiyon na nagpapadala partikular sa Metro Manila.