CAGAYAN DE ORO CITY – Napahina pa umano ng militar at local government units ang kilusan ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na itinuring na banta ng seguridad at nasa likod ng mga pag-atake ng ilang mining at plantation companies sa Misamis Oriental.

Photos from 58th IB,PA

Ito ay nagtagumpay ang 58th IB,Philippine Army katuwan ang Gingoog City LGU na himukin magbalik loob sa gobyerno ang 1,500 at kinabilangan ng 250 lider ng CPP-NPA’s underground mass organization (UGMO) mula sa siyam na barangay ng lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 4th ID,Philippine Army spokesperson Maj Jhun Cordero na nagsagawa muna ng peace rally ang UGMO members bago tuluyang tinanggap muli ng gobyerno para mamumuhay na ng matiwasay at tahimik.

Inihayag ni Cordero na kadalasan sa mga hinanakit ng mass base supporters ay ang palpak umano na mga pangako ng CPP-NPA na sila’y mabigyan ng maayos na pamumuhay kaya nag-desisyon sila na tumalikod at susuporta na sa gobyerno.

Si 4th ID,Philippine Army spokesperson Maj Jhun Cordero

Dagdag ng opisyal na magiging prayoridad rin ng 4th ID kasama ang PNP at LGU na mabigyan ng livelihood programs ang nabanggit na mga nagsisuko upang mas madama nila ang kaibahan ng gobyernong nagbigay serbisyo kaysa ipinaalsa sila upang itakwil ang demokrasya dahil sa umano’y ideolohiya .