(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Nagtuloy-tuloy pa ang pag-akyat sa bilang ng mga residente na nasawi epekto sa tumama na pagsalubong ng mainit at malamig na panahon (shearline) na nagbigay ng matinding danyos-perhisyo sa Misamis Occidental maging sa Misamis Oriental at Bukidnon sa Northern Mindanao region noong huling bahagi ng Disyembre 2022.
Ito ay matapos kinompirma ni Office of the Civil Defense 10 asst regional director Gilbert Conde na nadagdagan pa ng dalawang Misamisnons ang namatay dahil sa malawakang pagbaha at pagguho ng mga lupa sa nabanggit na mga lugar.
Inihayag ni Conde na sa 26 na running death toll ng rehiyon,20 sa mga ito ay nagmula sa Misamis Occidental kung saan pinakamarami nanggaling sa syudad ng Oroquieta apat sa Misamis Oriental at dalawa rin sa Bukidnon.
Sa usapin naman sa iniwan na danyos,ang Misamis Oriental ang nagtala ng pinakamalaki na umaabot sa halos P69 milyon habang nasa sobra P54-M mula sa Misamis Occidental.
Maggunitang dahil sa malaking danyos na iniwan ng shearline,nasa state of calamity ang buong Misamis Occidental maging ang mga syudad kasama ang ilang mga bayan nito at ang Gingoog City ng Misamis Oriental.