CAGAYAN DE ORO CITY – Bibigyan nga mahigpit na seguridad ng mga elemento ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) ang magaganap na 26th Mindanao Business Conference (MinBizCon) 2017 sa Xavier Estates Sports and Country Club sa Cagayan de Oro City ngayong ika-7 hanggang 9 ng Setyembre, 2017.
Kinumpirma ni 2017 MinBizCon President Ruben Vegafria ang pagdalo ng delegasyon mula European Union (EU) at ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Kung matatandaan, naging maingay ang presidente laban sa EU dahil sa panunuligsa sa kanyang kampanyang “war on drugs” at ang nagaganap na mga “extra-judicial killings” sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Ayon kay Vegafria, magiging sentro sa kanilang dialogo ang regional development, trade and commerce at seguridad.
Bagamat kinumpirma ng EU ang kanilang presensya, tuluyan namang isinantabi ng American Delegation ang paanyaya ng MinBizcom kay ipinagbabawal sa kanila ang pagbibyahe sa mga bansang may travel ban.
Tema sa taunang selebrasyon ang “Emerging Opportunities, ONE-MINDANAO”.
Kasabay ng mga policy makers, aabot naman sa isang libong business leaders, SMEs entreprenuers, at investors ang dadalo sa business conference.