CAGAYAN DE ORO CITY – Pinatawan ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkakakulong ng korte ang tatlong kadete ng Philippine Military Army (PMA) na mga akusado pagpatay sa kanilang kasamahan sa loob ng akademya sa Baguio City noong Setyembre 2019.
Nag-ugat ang hatol ni Baguio City Regional Trial Court Branch 5 Presiding Judge Ligaya Itliong-Rivera dahil nakitaan ng mabigat na basehan ukol sa kasong murder at violation ng anti-hazing law ang mga akusado na sina former PMA 3rd Class Cadets Julius Carlo Tadena;Felix Lumbag Jr at Shalimar Imperial Jr.
Tinukoy ng kaso na sila ang nagsilbing pasimuno upang maranasan ng 20 anyos na biktima noon na si Cadet 4th Class Darwin Dormitorio ng Cagayan de Oro City ang matinding abusong-pisikal sa loob ng PMA.
Ipinag-utos rin ng korte na magbayad si Tadena ng dalawang milyong piso na danyos habang si Lumbag at Imperial ay pagbayarin rin ng tig-P185,000 damages.
Magugunitang si Darwin ay anak rin ng isang dating mataas na opisyal ng Philippine Army kaya siya ang sumunod sa mga yapak nito subalit hindi pinalad dahil sa pinaggagawa ng kanyang upperclass men noong Setyembre 18,2019.