CAGAYAN DE ORO CITY- Nadagdagan ng tatlong bata ang naisugod sa Amai Pakpak Hospital nang pinaghinalaan na nahawaan ng mga sintoma ng sakit na polio sa Lanao del Sur.
Natuklasan ang panibagong suspected polio cases nang inilunsad ang kickoff ng oral vaccination kontra polio kung saan pinangunahan ni Department of Health Secretary Francisco Duque III at ilang opisyal ng United Nation Children’s Fund (UNICEF) sa Marawi City.
Inihayag sa Bombo Radyo ni Lanao del Sur Provincial Health Officer Dr Alinader Minalang na ang nasabing mga bata ay lahat nakunan na ng labotarory tests upang alamin kung totoong mayroong koneksyon na nahawaan sila ng sakit ng polio.
Kaugnay nito,inatasan sila ni Duque na isagawa ang house to house anti-polio vaccination sa lahat ng 39 bayan ng Lanao del Sur.
Magugunitang naitala ang pinakaunang kaso ng police sa Lanao del Sur nang bigla itong bumalik matapos ang 19 na taon na pagka-puksa sa buong bansa.