CAGAYAN DE ORO CITY – Itinakwil ng karagdagang aktibong mga miyembro ng kilabot na Dawlah Islamiyah -Maute Terror Group ang kanilang armadong pakikibaka at paghasik terorismo na kumikilos sa mabundok na bahagi ng Piagapo,Lanao del Sur.
Kaugnay ito sa walang humpay na mga pagsisikap ng mga bumubuo ng Joint Task Group Haribon na pinamunuan ni 103rd IB,Philippine Army commander Brig Gen Jose Maria Cuerpo kasama ang ilan pang AFP officers at elected officials partikular din si Abdullah Macapaar alyaas Kumander Bravo na head ng MILF AHJAG for Peace Mechanism para pahinain ng tuluyan ang natitirang taga-sunod ng dating Maute-ISIS group na nasa pagsalakay sa Marawi City taong 2017.
Sinabi ni Cuerpo na kabilang sa mga sumuko na dala-dala ang kanilang mga baril ay sina Ebra Apil alyas Brando,58;kanyang anak na si Munder Ebra Apil alyas ,Munder,29 at Darda Lidasan alyas Abu Turaypi na lahat mga residente sa bayan ng Piagapo,Lanao del Sur.
Inihayag ng opisyal na dahil rin sa mga inilunsad nila na focused military operations ay tuluyan nila napahina ang natitira na localized terrorists na banta ng seguridad sa buong Lanao.